Monday, January 26, 2009



Last week pa ang pista ng santo nino sa iba't ibanag bahagi ng bansa pero ngayon ko lang nalaman na may iba pang lugar na ngayon lamang nagganap ang kanilang pagdiriwang para sa banal na batang Jesus. At ginanap pa ito sa San Beda, sa Abbey ng Birhen ng Monserat. Pambihirang pagkakataon ito lalo na sa isang hindi Bedan na tulad ko.
Kakaiba lang sa prusisyon nila ay natapat sa Chinese new year kaya may chinese style ang parada. Kulang na lang ata nakachinese outfit ang poon at may banner na kung hei fat choi. Gayun paman, nagingibabaw naman ang kagandahan ng mensahe ng munting Jesus na magbigay ng tulong sa tumatawag sa pangngalan niya.